Barangay Health Workers pinangunahan ang seminar sa pangkalusugan sa MisOr

Nagsagawa ng seminar sa pangkalusugan ang mga miyembro ng Barangay Health Workers (BHW) sa mga residente ng Barangay Abunda, Magsaysay, Misamis Oriental nito lamang ika-14 ng Setyembre 2023.

Tinalakay sa naturang aktibidad ang libreng serbisyong pangkalusugan ng naturang grupo katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Habang nagbigay naman ng seguridad ang Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Misamis Oriental.

Layunin din nito na malaman ang pangunahing problema pangkalusugan ng mamamayan sa Barangay Abunda upang ma solusyonan ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *