Advocacy Support Groups ng Sta. Ana, nakiisa sa Feeding Program

Patuloy ang pakikibahagi at pakikiisa ng Advocacy Support Groups- Sta. Ana Chapter sa isinagawang Feeding Program sa Sitio Pasmakanan Brgy. Patunungan, Sta. Ana, Cagayan noong Setyembre 14, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Sta. Ana Police Station sa pamumuno ni Police Major Manes D Cadingan, Hepe ng naturang istasyon katuwang ang Faith Based Leaders, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), barangay officials at mga residente ng nabanggit na barangay.

Laking tuwa at pasasalamat ang tugon ng mga batang nabiyayaan ng mainit na chicken arrozcaldo, tinapay at juice.

Layunin ng naturang aktibidad na mapanatili ang ugnayan ng mamamayan at mga ahensya ng gobyerno at siguraduhing tamang nutrisyon ang naibibigay sa mga bata. Source: Sta. Ana PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *