KKDAT-Natonin nakiisa sa Clean-up Drive

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Natonin Chapter sa isinagawang clean-up drive sa Barangay Poblacion, Natonin, Mountain Province nito lamang ika-16 ng Septyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Natonin Municipal Police Station katuwang ang Bureau of Fire Protection-Natonin, KKDAT-Natonin at Barangay Officials.

Ang nasabing grupo ay nagtulong-tulong na magwalis, nagpulot at nirecycle ang mga basurang nakatambak sa naturang lugar. Ang aktibidad na ito ay naglalayong mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng ating komunidad tungo sa maaliwalas na kapaligiran. Source: KKDAT Natonin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *