Police Visibility at Barangay Visitation nilahukan ng Force Multipliers

Nilahukan ng mga miyembro ng Force Multipliers ang isinagawang police visibility at barangay visition sa iba’t ibang barangay sa San Juan City nito lamang Miyerkules, Setyembre 13, 2023.

Pinangunahan ito ng mga kapulisan ng Sub-Station 4 ng San Juan City Police Station sa pangangasiwa ni Police Captain Mauro A Paguyo, SS4 Commander.

Layunin ng aktibidad na maipalaganap ang police visibility sa lugar upang hadlangan ang mga krimen sa lansangan, at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *