Tree Planting Activity isinagawa sa Pilar, Bataan

Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa isinagawang Tree Planting Activity sa Mt. Samat Shrine, Barangay Diwa, Pilar, Bataan nito lamang Miyerkules, ika-13 ng Setyembre 2023.

Kasama sa aktibidad ang mga tauhan ng PNP, BFP, LGU, DA, DENR, CENRO, PENRO, mga mag-aaral ng Pablo Roman National High School at Lingkod Bayan Advocacy Support Group.

Umabot sa 500 na puno ng kawayan ang naitanim sa naturang lugar. Sinisiguro ng pamahalaan na patuloy magtatanim ng mga puno upang muling mapayabong at mapanatili ang kagandahan ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *