TUPAD Beneficiaries nakiisa sa Tree Planting Activity
Nilahukan ng mga TUPAD beneficiaries ang isinagawang Tree Planting Activity sa SO. Nunhabatan, Brgy. Hapid, Lamut, Ifugao nito lamang ika-13 ng Setyembre 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Joey S Balag-ey, Company Commander, Regional Mobile Force Battalion kasama ang mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources.
Naging matagumpay ang aktibidad na nakapagtanim ng may kabuuang 150 seedlings ng mahogany. Ang aktibidad ay bilang suporta sa Greening Program ng gobyerno, PNP Core Value “Makakalikasan”, at PRO-Cordillera’s Three-fold Agenda “Pagmamahal at Pagtupad sa Tungkulin.
Ang naturang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran upang maiwasan ang polusyon, gayundin sa pagtatanim ng mga punong-kahoy upang maiwasan ang pagguho ng lupa at maibsan ang dulot ng climate change.