216 estudyante nakiisa sa Drug Awareness Lecture sa Ozamis City
Aktibong nakilahok ang 216 estudyante sa isinagawang Drug Awareness Lecture ng Ozamis City Police Station sa Labo National High School, Barangay Labo, Ozamis City nito lamang Lunes, Setyembre 2023.
Ito rin ay bahagi ng kampanya ng Department of Interior and Local Government na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o BIDA Program. Naghatid naman ng kaalaman si Police Senior Master Sergeant Regie Magbanua, Shift Patrol Supervisor ng Ozamis PNP, sa mga estudyante at patuloy na nagpapaalala na ang paggamit ng ilegal na droga ay nakakasama sa kalusugan at kinabukasan ng indibidwal.
Ibinahagi din ni PSMS Magbanua, ang karampatang kaparusahan kung sakaling gagamit o magbebenta ng ilegal na droga.
Ang PNP katuwang ang mga mamamayan ay nagkakaisa upang makamit ang isang payapa at maunlad na bansa.