Unity Walk at Interfaith Prayer Rally para sa BSKE 2023, isinagawa sa Lasam, Cagayan

Nakiisa ang My Brother’s Keeper – Life Coaches sa isinagawang Unity Walk at Peace Rally para sa BSKE 2023 sa bayan ng Lasam, Cagayan noong ika-16 ng Setyembre 2023.

Nagtipon-tipon ang mga kumakandidato sa halalan, Local Government Unit, COMELEC Officers, Kapulisan, Kasundaluhan at iba’t ibang sektor ng lipunan sa nasabing aktibidad.

Matapos ang isinagawang Rally, nagkaroon ng Interfaith Prayer at Peace Covenant Signing bilang pagtalima sa mga rules and regulations ng COMELEC tungo sa maayos at payapang eleksyon. Samantala, pinangunahan ni Pastor Henry Corpuz ang nasabing Interfaith Prayers bilang representante ng MBK-LC ng Religious Sector. Dumalo rin si Atty. Evelyn Singson, Commission Election Officer 3 kung saan binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagsasagawa ng Unity Walk upang pagkaisahin ang bawat mamamayan lalo na ang mga kandidato na magtulungan upang maiwasan ang anumang hindi kanais nais na gawain sa nalalapit na eleksyon.

Ang aktibidad ay bilang suporta sa maayos, ligtas at payapang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023. Bukod dito, nais din ng aktibidad na to na magkaroon ng malinis maayos, ligtas at payapang halalan. Source: 2nd Cagayan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *