Simultaneous International Coastal Clean-up Drive Day, isinagawa sa Tiwi Albay

Nagkaisa ang mga Stakeholders, LGU Tiwi at pulisya sa isinagawang Simultaneous International Coastal Clean-up Drive Day na isinagawa sa Sitio Nahulugan Barangay Naga Tiwi, Albay nito lamang ika-16 ng Setyembre 2023.

Tulong-tulong ang mga kalahok sa paglilinis at pagkuha ng mga basura malapit sa dalampasigan upang masiguro na hindi na ito mapunta patungo sa karagatan. Ang aktibidad na ito ay may kaugnayan sa pagdiriwang ng International Coastal Clean-up Drive Day na may layuning patuloy na alagaan, protektahan at bigyan ng malasakit ang mga dalampasigan upang mapanatili ang kagandahan ng ating likas na yaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *