2 solar lights, pinagkaloob ng R-PSB Bukidnon

Pag-asa ang dala ng dalawang solar lights handog ng Revitalized Pulis sa Barangay Bukidnon sa mga residente ng Zone 2, Sto. Niño Manolo Fortich, Bukidnon nito lamang ika-22 ng Setyembre 2023.

Kaagad naman itobg ikinabit ng mga tauhan ng R-PSB, 16th Infantry Battalion Philippine Army, at Barangay Peace Keeping Action Team ng naturang lugar.

Ang dalawang solar lughts ay magsisilbing ilaw sa pagsapit ng gabi at magsilbing liwanag sa mga residente.

Layunin nito na maiparamdam ang pagmamalasakit ng kapulisan, kasundaluhan at iba pang grupo sa mamamayan tungo sa isang payapa at ligtas na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *