Women’s Associatiom, nakiisa sa Information Drive na isinagawa ng R-PSB MisOcc

Nakiisa ang Women’s Association sa isinagawang information drive ng Revitalized Pulis sa Barangay ng Misamis Occidental na ginanap sa Barangay Multi-Purpose Hall, Calamba, Misamis Occidental nito lamang ika-21 ng Setyembre 2023.

Sa naturang pulong-pulong ay tinalakay ang mga pangunahing krimen at kung paano ito maiiwasan. Bukod dito, nagkaroon din ng talakayan sa issue’s and concern sa kanilang lugar upang ito ay matugunan.

At inaanyayahan naman ng mga awtoridad ang lahat na huwag mag-atubiling pumunta sa pinaka malapit na estasyon kung mayroong sumbong o reklamo.

Patuloy ang ganitong uri ng aktibdad upang maiwasan ang anumang uri ng krimen at mapagtibay ang relasyon ng PNP at komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *