Faith-Based Group, nagsagawa ng SWIM sa Laguna

Nagsagawa ang Faith-Based Group ng Squad Weekly Interactive Meeting (SWIM) sa Brgy. Mayapa, Calamba, Laguna bandang 9:10 ng umaga ng Setyembre 21, 2022.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Elmar Sillador (Ret), Pastor Jhunny at Pastor Jaazer Aquino na miyembro ng Christ Believer Fellowship/MBK Life Coaches at dinaluhan ng mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit Calabarzon sa direktang pangangasiwa ni Police Colonel Meldrid Patam.

Ito ay alinsunod sa isa sa Core Values ng Pambansang Pulisya na “Maka-Diyos” na kung saan ay tinalakay ang Deuteronomy 8:11-20 “Be careful that you do not forget the LORD your God, failing to observe his commands, his laws and his decrees that I am giving you this day”.

Layunin nitong lalo pang patatagin ang ugnayan ng pulisya sa Diyos na Siyang nagbibigay lakas para matugunan ang sinumpaang tungkulin na magserbisyo sa mamamayan ng may malasakit at pagmamahal at lingapin at pasalamatan ang Diyos sa oras na nakamit ang hinihiling sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *