Drug symposium at Youth Empowerment, isinagawa sa Tacloban City
Matagumpay na isinagawa ang Drug symposium at Youth Empowerment sa mga estudyante ng Eastern Visayas State University na naganap sa Miguel Romualdez Memorial Auditorium nito lamang ika-24 ng Setyembre 2023.
Mahigit 400 na estudyante ng Eastern Visayas State University ang dumalo sa nasabing aktibidad kasama ang mga tauhan ng Community Affairs and Development Unit Personnel sa pangunguna ni PMaj Edwin S Cañamaque, Chief CCADU.
Natutunan ng mga estudyante ang tungkol sa risks associated sa paggamit ng substance, kabilang ang physical at health problems, impaired decision-making skills at mga legal na kahihinatnan.
Ang aktibidad ay isang mahalaga at makabuluhang kaganapan kung saan ang layunin nito ay maimpluwensyahan ang mga kabataan tungkol sa mga halaga, saloobin, kaalaman at kasanayan upang makagawa sila ng tamang desisyon na labanan ang masamang epekto ng alkohol at droga.