Advocacy Support Groups, pinangunahan ang Coastal Clean-up Drive sa Aparri, Cagayan

Cagayan- Pinangunahan ng mga kasapi ng Advocacy Support Groups ang pagsasagawa ng Coastal Clean-up Drive sa baybayin ng Barangay Maura, Aparri, Cagayan noong ika-23 ng Setyembre 2023.

Aktibong nakibahagi sa paglilinis ang mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), mga myembro ng Baybay Ku Dalus Ku (BKDK), Aparri PNP, Philippine Coast Guard, Maritime Group, barangay officials at mga residente ng nasabing barangay.

Ang nasabing aktibidad ay isang paraan ng pagtuturo sa mga tao na lumikha ng mga posibleng solusyon sa matagal nang problema sa solid waste at basura sa ating mga lokal na lugar sa pamamagitan ng pag-alis ng mga basura sa mga baybayin at daluyan ng tubig. Layunin nito na patuloy na protektahan ang kalikasan at mapanatili ang yaman at kalinisan ng karagatan.

Source: Aparri PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *