KKDAT Luna, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at terorismo (KKDAT) Luna Chapter sa isinagawang tree planting activity sa Barangay San Isidro Sur, Luna Apayao nito lamang ika-23 ng Septyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Luna Municipal Police Station katuwang ang mga miyembro ng KKDAT-Luna Chapter.

Ang nasabing grupo ay nagtulong-tulong na maitanim ang 45 seedlings ng lansones sa naturang lugar. Ang aktibidad ay naglalayong mabawasan ang nararanasang epekto ng climate change at mapanatili ang pagbibigay importansya ng kalikasan sa ating buhay.

Source: KKDAT LUNA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *