Barangay Youth-Paracelis nakiisa sa Clean-up Drive

Nakiisa ang ilang miyembro ng Kabataan ng Paracelis sa isinagawang clean-up drive sa Barangay SO Abibiswal, Bananao, Paracelis, Mountain Province nito lamang ika-26 ng Septyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 1st Platoon, 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga opisyales ng Barangay Local Government Unit ng nasabing lugar, Barangay Health Unit ng Bananao, CENRO Paracelis at mga residente ng nasabing lugar.

Ang nasabing grupo ay nagtulong-tulong na magwalis, nagpulot at ni-recycle ang mga basurang nakatambak sa naturang lugar.

Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng ating komunidad tungo sa maaliwalas na kapaligiran at mahikayat ang mga residente sa tamang pagtapon ng basura at pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *