Tree Planting at Coastal Clean-up Drive, isinagawa sa Bobon Northern Samar

Bobon, Northern Samar- Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa isinagawang Tree Planting at Coastal Clean-Up Drive sa baybayin ng Sitio Balud Brgy. Magsaysay, Brgy. Sta. Clara at Brgy. Gen. Lucban, Bobon, Northern Samar nito lamang Huwebes, ika-29 ng Setyembre 2023.

Kalahok sa aktibidad ang mga tauhan ng Local Government Unit ng Bobon sa pangunguna ni Mayor Reny A. Celespara, Advocacy Support Group, mga tauhan ng Bobon Municipal Police Station, BFP at mga opisyal ng naturang barangay.

Matagumpay na naitanim ng nasabing grupo ang mga punong-kahoy at nagtulungan sa paglilinis sa paligid ng lugar bilang bahagi ng 23rd Philippine Civil Service Month Culmination ng LGU Bobon.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan at mapangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *