BPATs sumailalim sa Orientation and Skill Demonstration sa Sagada, Mt. Province

Sumailalim ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang Orientation and Skill Demonstration sa Poblacion Sagada, Mt. Province nito lamang Setyembre 28, 2023.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng 1st Mt. Province Provincial Mobile Force Company at Sagada Municipal Police Station katuwang ang Local Government ng Sagada, na aktibong nilahukan ng 50 na mga miyembro ng BPATs mula sa iba’t-ibang barangay ng munisipalidad.

Tampok sa aktibidad ang pagtalakay ng PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030 at pagtuturo ng mga dapat gawin bilang First responder, handcuffing at arresting techniques.

Ito ay naglalayong mapagtibay pa at mahasa ang kaalaman ng mga BPAT’s sa kanilang pagpapatupad ng mga ordinansa at batas bilang mga force multipliers at n kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *