Tree Planting Activity isinagawa sa Mabalacat City

Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa isinagawang Tree Planting Activity sa Sitio Haduan, Barangay Marcos Village, Mabalacat City, Pampanga nito lamang Biyernes, ika-29 ng Setyembre 2023.

Nakilahok ang mga tauhan ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Philippine Army at Philippine Civil Service.

Ang aktbibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-123 na anibersaryo ng Philippine Civil Service na kung saan nagkaisa sila sa pagtatanim ng punong-kahoy sa lugar.

Patuloy ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran at mapangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *