Kaligkasan Volunteer nakiisa sa Tree Planting Activity sa Casiguran, Aurora

Nakiisa ang mga miyembro ng Kaligkasan Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Planting Activity sa Sitio Pasaruboy, Barangay Cozo, Casiguran, Aurora nito lamang Huwebes, ika-28 ng Setybre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Cielo L Caligtan, Force Commander. Nakipagtulungan rin sa aktibidad ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at Municipal Environment and Natural Resources Office kung saan nagtanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy sa lugar.

Layunin ng aktibidad na muling mapayabong ang kapaligiran at mapangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *