KKDAT Liloan Chapter, nakiisa sa Mobile Library at Bibles on Wheels sa Cebu

Liloan, Cebu – Muling nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Liloan Chapter ang inilunsad na Mobile Library at Bibles on Wheels sa Covered Court, Barangay Cotcot, Liloan, Cebu nito lamang ika-30 ng Setyembre 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Liloan Police Station sa pangunguna ni Police Major Eric C Gingoyon, Chief of Police, katuwang ang Local Government Unit at Kasimbayanan Volunteers.

Tinatayang nasa 100 na mga bata ang naging bahagi ng naturang aktibidad kung saan naaliw ang mga ito sa mga babasahin at maging sa pagkukwento ng mga naturang grupo.

Nagkaroon din ng feeding activity at mga palaro na siyang nagpasaya sa mga bata at naglalayong turuan at tulungan ang mga ito na maging hilig ang pagbabasa na siyang magiging tulay sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *