KKDAT dumalo sa isinagawang Monthly Meeting ng San Juan PNP

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT) ng San Juan Chapter sa isinagawang monthly meeting sa SCADS Office, San Juan City Police Station nito lamang umaga ng Biyernes, Setyembre 29, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Station Community Affairs and Development Section sa pamumuno ni Police Captain Solomon D Santos, Acting Chief, SCADS. Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga dapat at hindi dapat gawin ng mga miyembro ng KKDAT, mga nalalapit na aktibidad ng SCADS at Barangay, at ang paghahanda sa darating na Sangguniang Kabataan Election (BSKE) 2023.

Ang naturang pagpupulong ay magsisilbing gabay ng mga kabataan upang sumali sa iba’t ibang aktibidad ng pulisya at kanilang maiwasan ang pagsali sa mga grupong taliwas sa adhikain ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *