Community Outreach Program isinagawa sa Bamban, Tarlac

Nagkaisa ang pulisya at Force Multipliers sa isinagawang Community Outreach Program sa Sitio Batson, Brgy Sto Niño, Bamban, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-29 ng Setyembre 2023.

Kasama sa aktibidad ang mga tauhan ng Tarlac 1st Provincial Mobile Force Company, Bamban PNP, mga miyembro ng Balagtas Lions Club at Frontway Music Lounge. Nagtulungan sa pamimigay ng libreng bitamina at nagkaroon ng feeding program para sa 200 na mga benepisyaryo.

Patuloy ang pagkakaisa ng Force Multipliers at PNP upang makapaghatid ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *