BPATs sumailalim sa Seminar ng Mt. Province PNP

SAGADA, Mt. Province- Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ang isinagawang pagsasanay noong Oktubre 3, 2023. Pinangunahan ng mga tauhan ng 1st Mountain Province PMFC at Sagada Municipal Police Station ang aktibidad na nilahukan ng mahigit kumulang 40 BPATs.

Itinuro ng mga nasabing grupo sa mga miyembro ng BPAT’S ang aktuwal na pagsasanay patungkol sa basic arresting at handcuffing techniques na magagamit nila habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong mapalawak at mapagtibay ang kaalaman at kakayahan ng mga BPATs para sila ay mas maging epektibo at mas magampanan pa nila ang kanilang mga tungkulin bilang kaagapay ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang mga nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *