BPATs nakiisa sa Tree Planting Activity sa Abra

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang tree planting activity sa Barangay Sao-atan, Bangued, Abra nito lamang Oktubre 10, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Bangued PNP sa pangunguna ni Police Senior Master Sergeant Dick Timbreza, Chief, MCAS, katuwang ang mga Samahang Ilokano, mga opisyal ng Barangay Sao-atan at iba pang mga boluntaryo. Sa pakikipag-ugnayan sa Barangay Environment and Natural Resources, matagumpay na nakapagtanim ang grupo ng 10 narra seedlings.

Ang aktibidad ay bilang suporta sa kampanya ng gobyerno sa pangangalaga sa kapaligiran at pangangalaga sa ating likas na yaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *