Force Multipliers nakiisa sa Tree Planting Activity sa Sultan Kudarat

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. DatalBlao, Columbio,Sultan Kudarat nito lamang Lunes, ika-9 ng Oktubre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, PNP SAF katuwang ang mga barangay officials, at Force Multipliers.

Nagtulungan ang mga nasabing grupo sa pagtatanim ng mga puno sa naturang lugar. Ang aktibidad ay naglalayong mahikayat ang mga mamamayan na makiisa sa isinusulong na pagpapanatili ng maganda at mas maayos na kapaligiran tungo sa maaliwalas na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *