Advocacy Support Group, nakiisa sa Community Outreach Program sa Malay, Aklan

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng advocacy support group sa isinagawang feeding program at dialogue na ginanap sa Supetran Compound, Brgy. Yapak, Boracay Island, Malay, Aklan nito lamang ika-11 ng Oktubre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Malay Municipal Police Station kasama ang mga tauhan mula sa Women and Children Protection Desk (WCPD) sa pakikipagtulungan ng Boracay Sean at Koryo Restaurant at Advocacy Support Groups.

Ipinamahagi ng grupo ang limampung (50) kahon ng pagkain na may kasamang juice sa mga bata na kanila namang ikinabusog.

Magpapatuloy ang naturang grupo sa pakikilahok sa mga community outreach program upang mapanatili ang magandang ugnayan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *