KKDAT nakiisa sa Community Outreach Program sa Mabalacat City

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Community Outreach Program sa Sitio Malupa, Barangay Calumpang, Mabalacat City, Pampanga nito lamang Linggo, ika-8 ng Oktubre, 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Mabalacat City PNP katuwang ang Rotary Club at Lakan Maharlika Club. Sa aktibidad ay namahagi ng libreng tinapay, school supplies, grocery packs, hygiene kit, mga laruan, at Jollibee sa 100 kabataan.

Patuloy ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa pagsuporta sa iba’t ibang programa ng pulisya at maging inspirasyon sa kapwa nila kabataan tungo sa pagsuporta at pagkamit ng kaunlaran sa ating bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *