PENRO at Barangay Officials ng Boliwong nakiisa sa Clean-up Drive

Nakiisa ang Barangay Officials at tauhan ng Ifugao Police Provincial Office, 1st Ifugao Provincial Mobile Force Company, Lagawe Municipal Police Station at Special Action Force sa isinagawang clean-up drive sa Boliwong River at Tungod River sa Lagawe Ifugao nito lamang ika-10 ng Octubre 2023.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng Provincial Environmental and Natural Resources Office- Ifugao kasama ang mga Barangay Officials bilang paghahanda sa site validation ng Top 5 clean rivers natiowide na isasagawa ng DENR Central Office.

Ito rin ay bahagi ng pagtutulungan ng mga stakeholders upang matiyak ang ang mga ilog at iba pang natural resources na mapreserba para sa ngayon at sa hinaharap na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *