KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting isinagawa sa San Juan City

San Juan City- Nagsagawa ang mga miyembro ng Faith Based Advocacy Support Group ng KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting (KWIM) sa San Juan City Baptist Church 11, Brgy Progreso, San Juan City nito lamang Linggo, OKtubre 15, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pastor Noy Noy Capaque ng Bless our Cops Life Coach kasama ang mga Barangay Officials at BPATs ng nasabing barangay kasama ang kapulisan ng San Juan City Police Station.

Layunin nitong pagbuklodin ang bawat isa para sa matatag at magandang samahan ng grupo at pulisya para sa ikauunlad ng kanilang nasasakupang lugar at upang mabilis na masolusyunan ang mga problemang nangyayari sa kanilang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *