Psychosocial Support Program ng Red Cross nilahukan ng KKDAT sa San Juan City

Nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT) ang isang makabuluhang pagtuturo patungkol sa Psychosocial Support Program ng Red Cross na ginanap sa Flying V, Fil oil Arena, Brgy Corazon De Jesus, San Juan City nitong Sabado, Oktubre 14, 2023.

Ang programa ay pinangunahan ni Patrick Andre P. Lara, KKDAT VICE PRESIDENT ng San Juan Chapter at pinangasiwaan ni Red Cross San Juan na si G. RAFAEL “Raffy” Soriano, Welfare service Instructor kasama ang mga tauhan ng San Juan City Police Station.

Ito ay naglalayong pagyamanin at paunlarin ang mas mataas na mga pagkakataon sa pag-aaral at pag-unlad sa pamamagitan ng paghikayat at pagsuporta sa mga kabataan na mag-ambag, manguna sa mga hakbangin, at manguna sa kanilang sariling mga proyektong pinamumunuan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *