FNKN nagsagawa ng Community Outreach Program sa Paniqui, Tarlac

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga miyembro ng Foreign National Keepers Network para sa mga residente ng Barangay Estacion, Paniqui, Tarlac nito lamang Martes, ika-17 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ito ni Ms, Tara Elisabeth Bunch, National President at Mr. Mandeep Singh, Regional President FNKN kasama ang mga tauhan ng Philippine National Police. A

ng aktibidad ay kaugnay sa proyektong “Light of Hope-Solar” ng FNKN kung saan namahagi ng 15 ng Solar Lights, 15 sakong bigas at 50 pares ng tsinelas para sa napiling mga benepisyaryo.

Patuloy ang mga miyembro ng FNKN sa pamimigay ng tulong at pagsuporta sa iba’t ibang programa ng pulisya na makapaghatid ng serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *