Community Outreach Program nilahukan ng Advocacy Support Groups at Stakeholders sa Navotas City
Navotas City — Nagsama-sama ang mga miyembro ng Advocacy Groups at Stakeholders sa isinagawang Community Outreach Program na ginanap sa Tanza 1, Navotas City nito lamang Miyerkules, Oktubre 18, 2023.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa tulong ng LF Joy Foundation na inisyatibo ni Ms. Jane Zhao at ng Battalion Advisory Group for Police Transformation and Development (BAGPTD), kasama ang Chinese Embassy of the Philippines, mga kawani at residente ng barangay.
Katuwang din dito ang kapulisan ng RMFB-NCRPO sa ilalim ng pamumuno ni RMFB Force Commander, Police Colonel Mario P Malana. Ang nasabing aktibidad ay may temang “Basketball Dream“ na may kaugnay sa Bola Kontra Droga, Kriminalidad at Terorismo.
Kasabay nito ay ang pamamahagi ng bola at jersey sa isang daan (100) na kabataan at sampung kilong bigas at grocery items para sa bawat pamilya ng nasabing lugar.
Ang pagbubuklod ng grupo para sa iisang layunin ay sumisimbolo at nangangahulugan ng isang matibay na pundasyon tungo sa ikauunlad ng bawat pamilya.