Stakeholders, nakiisa sa Feeding Program sa Boracay Island

Nakiisa ang mga miyembro ng Stakeholders sa isang feeding program para sa mga bata sa Sitio Bethshalom, Manocmanoc, Boracay Island nito lamang ika-16 ng Oktubre 2023.

Nagtulong-tulong ang mga tauhan ng Boracay Sean Travel and Tours at Malay MPS na mamahagi ng libreng food packs sa mga kabataang nangangailangan.

Nagpapasalamat din ang mga magulang sa suporta ng grupo at Malay PNP at umaasa sila na ang ganitong mga aktibidad ay magpapatuloy at magdadala ng malasakit at pag-asa sa kanilang komunidad.

Ipinakita ng stakeholder’s at ng kapulisan ang kanilang dedikasyon sa pagtutulungan upang mapabuti ang kalagayan ng komunidad at ito ay naglalayong tiyakin na ang mga bata ay may sapat na nutrisyon upang maiwasan ang mga sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *