BPATs, nakilahok sa Community Outreach Program sa MisOcc

Aktibong nakilahok ang mga tauhan ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa inilunsad na community outreach program sa Culpan Elementary School, Barangay Culpan, Aloran, Misamis Occidental nitong ika-20 ng Oktubre 2023.

Mahigit kumulang 70 estudyante ang nakilahok sa programa na labis na nakiisa at nakisaya. Sa programa ay nagtulung-tulong ang mga miyembro ng Ozamis City Maritime Station, mga guro at Barangay Peacekeeping Action Team ng Barangay.

Isinagawa ang feeding program kung saan nagpakain ng tinapay, pancit bihon, watermelon at juice sa mga estudyante. Nagkaroon din ng parlor games na labis na nagbigay ngiti sa mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *