Faith Based nakiisa sa Community Outreach Program sa Limay, Bataan

Nakiisa ang mga miyembro ng Faith Based Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outreach Program para sa mga mag-aaral ng Kinaragan Elementary School, Barangay Duale, Limay, Bataan nito lamang Lunes, ika-23 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Limay Municipal Police Station katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company, Bataan PNP.

Sa aktibidad ay inilunsad ng Limay PNP ang kanilang proyektong 100 Hands: “Sabon para sa 100 na Kamay na Malinis Hatid ni Kuya at Ate Pulis ng Limay” kung saan namigay ng 100 na hygiene kit para sa mga mag-aaral ng naturang paaralan.

Ang proyektong ito ay naglalayon na maturuan ang mga bata sa pangangalaga ng kanilang katawan upang makaiwas sa anumang sakit.

Patuloy rin ang mga miyembro Faith Based Advocacy Support Group sa pakikiisa at pagsuporta sa iba’t ibang programa ng pulisya lalo na sa paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *