BPATs, sumailalim sa 3-Days Training sa Cebu
Oslob, Cebu – Sumailalim ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang tatlong araw na pagsasanay na ginanap sa Social Hall Brgy. Poblacion, Oslob, Cebu nito lamang ika-25 ng Oktubre 2023.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng Cebu Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Leo B Ty, Chief PCADU/BPAT Course Director, na dinaluhan nina Police Captain Ian Tanajura Macatangay, Hepe ng Oslob Police Station, Sarah Dalumpines, SB Councilor at TOT North and South.
Nasa 63 na mga miyembro ng BPATs mula sa iba’t ibang barangay ng munisipalidad ang kalahok kung saan naging tampok sa aktibidad ang pagtalakay ng PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030 at pagtuturo ng mga dapat gawin bilang First responder, handcuffing at arresting techniques.
Layunin nito na mapagtibay at mahasa ang kaalaman ng mga BPAT’s sa kanilang pagpapatupad ng mga ordinansa at batas bilang kaisa ng PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa nalalapit na Election 2023.