Urban Gardening sa Camarines Sur, aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)

SAGÑAY, Camarines Sur – Nakiisa ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o (4Ps) sa isinagawang Urban Gardening sa Barangay Aniog, Sagñay, Camarines Sur nito lamang Oktubre 22, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Camarines Sur 1st PMFC, Revitalized-Pulis sa Barangay, Team Charlie sa pangunguna ni PCpt Wig B Pramis, Team Leader.

Layunin ng isinagawang aktibidad na maturuan ng wastong pamamaraan ng pagtatanim ng gulay ang mga kalahok at sa pamamagitan nito ay mayroon na silang kaalaman na kanilang magagamit sa pagtatanim sa kanilang mga bakuran at magiging karagdagan nila itong pagkakakitaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *