Force Multipliers nakiisa sa Tree Planting Activity sa Tarlac City

0
394305938_656512656658199_1292872360586156144_n

Nakiisa ang mga miyembro ng BIGKIS Task Force sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay San Isidro, Tarlac City nito lamang Biyernes, ika-20 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Tarlac City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Evangeline P Ortiz, Chief of Police.

Nagtulungan sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy na magsisilbing lilim sa naturang lugar. Layunin ng aktibidad na muling mapayabong ang kapaligiran at mapangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *