Pulong-pulong tungkol sa ilegal na droga isinagawa sa MisOcc

Matagumpay na naisagawa ang pulong-pulong tungkol sa ilegal na droga ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Misamis Occidental sa Barangay Sinaad, Barangay Lucos, at Barangay Capundag, Sapang Dalaga, Misamis Occidental nito lamang Oktubre 23, 2023.

Tinuro at binigyang diin ng R-PSB sa mga residente ang masamang epekto ng ilegal na droga at kung ano-ano ang mga kaparusahan kung ikaw ay gagamit nito.

Patuloy ang ganitong uri ng aktibidad sa mamamayan upang makaiwas sa masamang epekto ng ilegal na droga na siyang sumisira sa katawan at buhay ng isang tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *