KKDAT at Youth Mobile Force Banaue Chapter, nakiisa sa Tree Planting Activity
Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo at Youth Mobile Force sa isinagawang tree planting activity sa Pugo, Amganad, Banaue, Ifugao nito lamang ika-21 ng Oktubre 2023.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng Provincial Local Government Unit at dinaluhan ng mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno mula sa Banaue Municipal Police Station, 2nd Ifugao PMFC, BFP Lagawe, RMFB 15, KKDAT at Youth Mobile Force.
Ito ay may temang “He who plants a TREE plants a HOPE.” kung saan ang mga kalahok ay matagumpay na nakapag tanim ng 200 betel nut seedlings, 100 mahogany seedlings at 100 narra seedlings. Ang aktibidad ay isinagawa bilang suporta sa Provincial Ordinance No. 2019-15 o mas kilala bilang Birthday Tree Planting Ordinance sa lalawigan ng Ifugao.
Gayundin upang pangalagaan at protektahan ang watershed na nagsusuplay ng malinis na tubig sa buong munisipyo ng Banaue.