Drug Awareness Lecture, nilahukan ng mga estudyante sa Sultan Kudarat

Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral sa isinagawang drug awareness lecture na ginanap sa St. John Early Learning Center Inc., Tacurong, Sultan Kudarat nito lamang Martes, Oktubre 24, 2023.

Pinangunahan ng mga tauhan ng mga D.A.R.E officers ng 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company ang naturang aktibidad bilang mga tagapagsalita at tagapagsanay.

Layunin ng aktibidad na paalalahanan at bigyang kaalaman ang mga kabataan sa mga masasamang dulot ng ilegal na droga sa katawan at sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *