Advocacy Support Group, nagsagawa ng Feeding Program sa Aklan

Aklan- Nagsagawa ng feeding program ang mga miyembro ng Boracay Sean Travel and Tours sa Sitio Balinghai, Yapak, Isla ng Boracay, Malay, Aklan nito lamang ika-27 ng Oktubre 2023.

Katuwang ng grupo ang Malay Municipal Police Station na kung saan ay nakatanggap ang mga bata ng libreng pagakain na kanila namang ikinatuwa at ikinabusog.

Ang aktibidad na ito ay nakakatulong na maiwasan ang malnutrisyon sa mga bata ng kanilang nasasakupan.

Ang mga ganitong programa at mga proyekto ng naturang grupo katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy na ipinapadama ang pagmamalasakit at pagkakaisa sa pagsusulong ng kapakanan ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *