Clean-up Drive isinagawa sa MisOcc

Matagumpay na naisagawa ang clean-up drive sa Barangay Bagong Silang Cemetery, Calamba, Misamis Occidental nito lamang ika-27 ng Oktubre 2023.

Nagtulong-tulong ang mga residente ng Barangay Bagong Silang at Revitalized Pulis sa Barangay Misamis Occidental.

Sabay-sabay binunot at sinunog ang mga damo na bahagi rin ng paghahanda sa darating na araw ng mga patay.

Patuloy ang PNP at mamamayan sa pagsasagawa ng ganitong uri ng aktibidad upang mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *