Community Outreach Program isinagawa sa Dipaculao, Aurora

Nagtulungan ang pulisya at Municipal Social and Welfare Development Office ng Dipaculao sa isinagawang Community Outreach Program sa Barangay Sapangkawayan at Barangay Puangi, Dipaculao, Aurora nito lamang Biyernes, ika-27 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ito ni Mrs. Rowena A Asan ng MSWDO katuwang ang mga tauhan ng Dipaculao Municipal Police Station.

Sa aktibidad ay nagkaroon ng lecture at pamimigay ng libreng meryenda sa mga benepisyaryo. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan patungkol sa iba’t ibang batas at pagiging responsableng magulang para sa kanilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *