Feeding Program, isinagawa sa MisOr

Labis ang saya ng mga kabataan sa hatid na feeding program ng Revitalized Pulis sa Barangay Umbagama na ginanap sa Barangay Banglay, Lagonglong, Misamis Oriental nito lamang Oktubre 28, 2023.

Bitbit ng R-PSB ang mga tinapay at mga juice na kanilang pinamigay sa kanilang madaanan na kabataan. Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Cholinjun Pacaña, Acting Provincial Director ng Misamis Oriental Police Provincial Office.

Patunay lamang na ang PNP katulong ang mamamayan ay maabot ang maunlad at payapang komunidad kapag nagkaisa tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *