KKDAT-Lamut nakiisa sa Clean-up Drive

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra dDroga at Terorismo-Lamut Chapter sa isinagawang clean-up drive sa Lamut, Ifugao nito lamang ika-04 ng Nobyembro 2023.

Ang aktibidad ay dinaluhan rin ng mga tauhan ng Lamut Municipal Police Station, Lamut Association of Minesters for Peace sa pamumuno ni Pastor Albert Ngittit, Sr.

Ang nasabing grupo ay nagtulong-tulong na pinulot ang mga basurang nakakalat mula sa Ecopark hanggang sa Dar-awan View Deck, Lamut, Ifugao.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong panatilihin ang kaayusan at kalinisan ng lugar upang maiwasan ang polusyon at mga naglilipanang mga sakit.

Source: Lamut Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *