Serbisyo Caravan, isinagawa sa Eastern Samar
Matagumpay na isinagawa ng Local Government Unit ang Serbisyo Caravan sa iba’t ibang Barangay ng Sulat, Eastern Samar katulad ng Brgy. San Isidro, Brgy San Juan (clustered with Brgy San Mateo), Brgy Sto. Tomas (clustered with Brgy Kandalakit) at Brgy A-et (clustered with Brgy Mabini) nito lamang Nobyembre 6, 2023.
Ang Serbisyo Caravan ng pamahalaang panlalawigan na tinaguriang “SERBISYO BENepisyo” sa pangunguna ni Nelson Cortez, Provincial Administrator bilang kinatawan ni Hon. Ben P Evardobe.
Ang aktibidad ay suportado ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, tulad ng Eastern Samar Police Provincial Office sa pangunguna ni PCol Jose Manuel C Payos, Provincial Director, 78IB ng AFP, ESPH, PHO, DENR, CDO, PEO, PASSO, NIA, DAR, OPAS, PSWDO, OWWA, DTI, DA, PCIC, DOLE,PSA, PhilHealth, IBP, PCA, SSS, PDRRMO at iba pa.
Kasama sa nasabing aktibidad ang libreng medikal na konsultasyon, pamamahagi ng mga libreng gamot, serbisyong pang-agrikultura at legal, libreng National Police Clearance at libreng serbisyo sa pagtutuli sa 57 kabataang lalaki.
Ang pangunahing layunin ng aktibidad ay upang palawigin ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan nang direkta sa mga pintuan ng mga residente, sa gayon ay matugunan ang kanilang mga agarang pangangailangan at palakasin ang kanilang koneksyon sa pamahalaan.