Feeding program pinangunahan ng Baungon Barangay Worker

Masayang nakiisa ang mga kabataan sa isinagawang feeding program na pinangunahan ng mga barangay worker na ginanap sa Langaon, Baungon, Bukidnon nito lamang Nobyembre 3, 2023.

Nagbigay naman ng seguridad ang mga kasapi ng Revitalized Pulis sa Barangay Baungon sa pangunguna ni Police Senior Master Sergeant Dominic Christian T Dela Pena sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Jovit L Culaway, Officer-In-Charge, Bukidnon Police Provincial Office.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng kanilang visitation program sa mamamayan.

Layunin nito na matulungan ang mamamayan na lubos na nangangailangan sa tulong ng kapulisan at iba’t ibang sektor ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *