Drug Awareness Symposium, isinagawa sa Bacusanon National High Schhol

Daan-daang estudyante ang nakiisa sa Drug Awareness Symposium ng mga miyembro ng Revitalized Pulis sa Barangay Pangantucan na ginanap sa Bacusanon National High School, Purok 1, Barangay Bacusanon, Pangantucan, Bukidnon nito lamang ika-16 ng Nobyembre 2023.

Dito ay nagbigay ng impormasyon tungkol sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, si Police Staff Sergeant Ansari B Ibrahim Assistant Team Lear, at Police Captain Edgar M Apog, Officer-In-Charge, Pangantucan Municipal Police Station.

Binigyang diin ang karampatang parusa kung mapatunayan na lalabag sa paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga. Bahagi ito ng programa ng PNP na maiwas ang mga kabataan sa banta ng masamang epekto ng ilegal na droga sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *